Si Eva, yong auntie ko na galing America nandito ngayon nag aaral ng nursing sa Guadalupe. Kapit bahay namen. Walang araw na ginawa ng Diyos na may reklamo siya: sa MRT, sa pilahan sa grocery, sa mga taxi, sa kalsada sa labas ng bahay, sa EDSA, sa squatter sa street namen, sa missing na toilet paper sa banyo, sa sistema sa bangko, sa GSIS, sa pension system ng tatay niya, sa Jollibee, sa palengke, pati sa init.
Ngayong araw ang reklamo niya eh tungkol sa mga kamag anak niya sa mother side niya.
Yong nanay niya kasi maraming kapatid na hindi naka tapos. In short, mga proletariat. Sila yong mga ang trabaho eh nagtitinda sa palengke, or pedicab driver, waiter, construction worker, sales lady, callboy, at karamihan tambay sa kanto. May auntie siya na nakatira sa Cogyo – outskirts ng Manila – na may isang dosenang anak na may mga anak na rin na may mga anak pa. In short, isang community sila don. Si Eva ang sponsor ng buong community: tuition fee, gamot, pang grocery, gatas kay baby, timba, bayad sa kuryente at tubig, pang load sa cellphone, pati pabango. Nong namatayan yong taga Cogyo, siya gumastos. Nong namatay naman yong bantay ng bahay nila, umuwi pa siya para ipa libing. Nong sinalubong daw sila sa airport ng kamag anak, ang unang hirit: “pautang”.
Siya din nag pa aral ng tatlo niyang pinsan sa Lingayen ng nursing. Eh kaso, wala ni isa naka pasa sa board tapos ayaw na mag retake. Ngayon nag pe pedicab yong panganay at yong pangalawa tambay at basketball. Yong isa naman niyang auntie na may binatang anak na batugan ginawa niyang caretaker ng bahay nila. Eh since nandito siya ngayon sa Manila pinalayas niya. Hinimatay tuloy. So dinala niya sa hospital. Siyempre, siya din nag bayad ng pang ospital
Ilang beses na daw niyang na sigawan tuwing pumupunta sa bahay nila or tumatawag sa US para humingi ng pera. Pero siyempre, wala naman magagawa sigaw niya.
She asked my advice. Sabi ko sa kanya, lasunin na lang niya mga kamag anak niya. Marami nga lang siyang palilibing. Gastos din yon.
this is hilarious. the advice: impeccable.